This site requires Javascript. Please enable Javascript in your browser for this site.

5 Masamang Epekto ng laging paggamit ng mga Gadgets

OSAU Angel

Palala na ng palala ang panahon ngayon, palala na din ng palala yung pagamit natin sa Gadgets mapa bata man o matanda. Download dito, upload don, ML dito, ROS don, Fb dito, Ig don. Halos lahat ng oras natin ay kinakain na ng social media at online games. Madalas, nakakalimutan na nating magpahinga at magbigay ng oras sa ibang bagay ng dahil sa kakagamit natin ng gadgets. Narito ang ilang epekto na makukuha ng tao sa labis na paggamit ng gadgets lalo sa mga bata:


1. Mabilis na pagbigat ng timbang

Ito ay para sa mga taong hindi na halos gumagalaw at laging nakaupo dahil sa labis na paggamit ng gadget. Hindi na natin kailangan na umalis lagi at gumalaw para sa mga gusto nating gawin dahil maaari na natin itong gawin sa ating mga gadget katulad na lang ng pakikipag-usap sa ating mga kaibigan o kamag-anak, bumili sa labas dahil sa meron ng online shopping, kahit yung ibang trabaho puwede ng nasa bahay ka na lamang at marami pang iba. Ang katawan ng tao ay nangangailangan ng physical activities upang mabawasan ang potensyal na pagkakaroon ng mga sakit. Yung iba marahil ay idinadaan sa labis na pagkain ng hindi masusustansyang pagkain habang gumagamit ng gadget na nagiging sanhi na rin ng pagbagal ng metabolismo na nagreresulta sa mabilis na pagtaba.


2. Hindi nakaka kain sa tamang oras

Ang paggamit at paglalaro ng sobra gamit ang gadget ay nagiging sanhi ng pagkalimot sa tamang oras ng pagkain. Yung iba pa ay umaabot sa punto na nalilimutan na nila talaga kumain dahil sa paglalaro ng gadget dahil hindi nila napapansin ang oras o tinatamad na silang kumain dahil sa gadget. Karamihan din ay hindi na kumakain upang matapos o makuha nila yung gusto nila sa nilalaro nila kahit di hamak na mas mahalaga pa ang pagkain. 


3. Maaaring maging sanhi ng iba't ibang sakit

Ang labis na paggamit ng gadget ay delikado sa ating kalusugan. Maaari tayong dapuan ng iba't ibang sakit dahil sa pagpapabaya natin sa sobra. Ang mga halimbawa ng mga sakit na pwede nating makuha ay sakit ng ulo, anxiety, insomnia, ulcer, addiction, stress, pagod sa katawan, seizure, at marami pang iba. 


4. Problema sa mata

Ang mata ang isa sa pinakagamit na parte ng ating katawan lalo na kapag gumagamit tayo ng gadget. Ang pagbababad masyado sa gadget ay nagiging sanhi ng komplikasyon sa mata dahil ito ay sensitibo at hindi siya puwede mababad ng matagal sa liwanag na magreresulta sa panlalabo, iritable, panunuyo, pagod at iba pa sa ating mga mata. May mga pag-aaral na isinagawa at nagresulta na ang ating mga muscle sa mata ay napapagod tumuon sa pagbababad ng ilang oras sa mga gadget at kung ihahambing natin ito ay katulad ito ng pagwowork-out sa gym ng matagal sa muscle natin ito ay mananakit at mapapagod.

5. Maraming oras ang nasasayang 

Dahil sa labis nating paggamit ng gadget ay madami tayong napapabayaan at nakakaligtaang gawin. Mga panahon na dapat ay natutulog ka na, o kaya naman ay dapat natapos mo na ang dapat mong gawin, yung oras na dapat nagsisimula ka na sa dapat mong gawin, at iba pang mga bagay na nakakaligtaan natin dahil sa labis paggamit ng gadget. Marahil nakakaaliw at nakakatanggal stress ay may mga ibang bagay naman tayong naisasakripisyo.


      Lagi nating tandaan na ang oras na nasasayang ay hindi na natin maibabalik at ang bunga ng ating mga ginagawa ay hindi natin matatakasan. Ang gadget ay hindi natin kalaban sapagkat ito ay kapaki-pakinabang at napapagaan ang ating mga buhay, bagamat ang problema ay nasa tao na gumagamit kung papaano niya idisiplina ang kanyang sarili sa paggamit nito. Maging matalino tayo sa paggamit ng oras natin dahil lahat ng bagay ay may tamang oras upang gawin gaya na lamang ng paggamit ng gadget wag nating abusuhin dahil tayo din ang magsisisi sa huli.


#MyLife
#GadgetsMobilePhonesLaptops